Lunes, Marso 11, 2013

Tabon Cave


Ang mga Kuwebang Tabon o mga Yungib sa Tabon ay mga kumpol ng kuweba sa Palawan, Pilipinas. Kilala ang mga kwebang ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng Taong Tabon na mayroon nang 22,000 taong gulang. Nadiskubre ito at ang kuweba ni Dr. Robert Fox at ng kanyang grupong nagmula pa sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Sinasabing may kalahating milyong taong gulang na at pinamahayan sa loob ng 50,000 taong nakalipas.
Binubuo ng mga natuklasan nang mga kuweba ang kabuuan ng mga Kuwebang Tabon, subalit may dalawandaang mga kilalang kuweba sa Punto ng Lipuun. Pinangangalagaan at pinamamahalaan ang mga ito ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Bukas sa publiko ang isa sa mga kuwebang ito. May mga tapayan sa loob nitong ginamit sa paglalagak ng mga buto ng mga tao na may kasamang mga hayop.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento