Lunes, Marso 11, 2013

Fauna

Ang mga ibon ang pinakamalaking grupo ng vertebratesa liwasan. Sa 252 na uri ng ibon sa Palawan, 165 dito ay makikita s liwasan. Nadirito ang 67% ng mga ibon at ang 15 endemikonh ibon ng Palawan. Makikita ang mga ibon na (Tanygnathus lucionensis), (Megapodius cumunigii), (Gracula religiosa), (Anthracoceros marchei), (Halitutus leucogates ). May 30 uri ng mgamammal na nasa liwasan (Madulid, 1998). Makikita sa tuktok ng gubat at sa dalampasigan ang unggoy na (Macaca fascicularis). Ito lang ang primate na makikita sa lugar na ito. Nandirito rin ang (Sus barbatus), (Arctictis binturong), (Mydaus marchei) at (Hystrix pumilus). 19 uri ng reptile ay makikita sa liwasan, 8 dito ay endemiko(Madulid, 1998). Ang mga malalaking predator na pangkaraniwang makikita sa liwasan ay ang sawa (Phython reticulatus), bayawak (Varanus salvator) at ang butiking (Bronchocoela cristatella). Makikita rin dito ang 10 uri ng amphibian. Ang palakang (Rana acanthi) ay pangkaraniwang makikita. Ang uringBarbourula busuangensis na endemiko sa Palawan ay makikita din sa lugar na ito. Makikita rin sa kuweba ang 9 na uri ng paniki, 2 uri ng swiftlet at latigong gagamba (Stygophrynus sp.). Ang Dugong (Dugong dugon) at Pawikan (Chelonia mydas) ay makikitang kumakain sa baybayin ng liwasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento