Lunes, Marso 11, 2013

Flora

Ang liwasan ay mayroon walo sa labing tatlong uri ng gubat na makikita sa tropikal na Asya. Ito ay ang gubat na nasa ultramafic na lupa, gubat na nasa limestone na lupa, gubat na montane, pantubig-tabang na latiang gubat, mababang lupang evergreen na tropikal na rainforest, gubat na riverine, pambaybaying gubat, at gubat ng mangrove. Ang mga mananaliksik ay nakakita ng higit sa 800 uri ng halaman na galing sa 300 na sari at 100 na pamilya. Kasama dito ang 295 na puno na binbubuo ng mga dipterocarp na uri. Sa mababang parte ng gubat matatagpuan ang Dao (Dracontomelon dao), Ipil (Instia bijuga), Dita (Alstonia scholaris), Amugis (Koordersiodendrum pinnatum), at Apitong (Dipterocarpus gracilis). Ang pambaybayin na gubatay may mga uri tulad ng Bitaog (Calophyllum inophyllum), Pongamia pinnata, at Erynthia orientalis. Makikita din ang mga uri ng Almaciga (Agathis philippinensis), Kamagong (Diospyros pulganensis) Pandan (Pandanussp.) Anibong, at Rattan ('Calamus sp.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento