Lunes, Marso 11, 2013

Heograpiya


Ang liwasan ay binubuo ng limestone karst na bulubunduking tanawin at 8.2 kilometrong ilog na nasa ilalim ng lupa na maaring lakbayan. Ang ilog ay dumadaloy sa loob ng kuweba bago ito pumupunta sa Timog Dagat Tsina. Mayroon din itong mga stalactite at mga stalagmite, at iba't ibang malalaking silid. Ang mababang bahagi ng ilog ay naapektuhan ng mga tide. Bago nadiskubre noong 2007 ang ilog na nasa ilalim ng lupa sa Tangway ng Yucatan ng Mehiko, ang ilog na nasa ilalim ng lupa ng Puerto Princesa ay sinasabing pinakamahaba sa Pilipinas.
Nandirito din ang mga mahahalgang habitat para sa Konserbasyon ng biodiversidad. Ang pook na ito ay mayroong ekosistem mula sa bundok patungo sa dagat at mayroong mga gubat na napapabilang sa mga mahahalaga sa buong Asya.
Indineklara ng UNESCO bilang Pook na Pamanang Pandaigdig ito noong Disyembre 4, 1999.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento