Lunes, Marso 11, 2013

Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Prinsesa

Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto PrincesaPambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa(InglesPuerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa PalawanPilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento