Miyerkules, Marso 13, 2013

It's More Fun In PALAWAN. :D


Ang Pagtatapos. :)

Yun lamang. Maraming Salamat. ;D

By: Group 4
School: Bangkal High School [Makati]

Leader: Edilberto Herrera
Assistant Leader: Joanna Joyce Capuno
Members:
Rommel Hierro
Fernando Garcia
John Arnald Alava
Joji Ecija
Christian Dominic Alday
Sharmaine Rega
Marc Anthony Dosal
Anthonette Kaye Tagle

Lunes, Marso 11, 2013

Tabon Cave


Ang mga Kuwebang Tabon o mga Yungib sa Tabon ay mga kumpol ng kuweba sa Palawan, Pilipinas. Kilala ang mga kwebang ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng Taong Tabon na mayroon nang 22,000 taong gulang. Nadiskubre ito at ang kuweba ni Dr. Robert Fox at ng kanyang grupong nagmula pa sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Sinasabing may kalahating milyong taong gulang na at pinamahayan sa loob ng 50,000 taong nakalipas.
Binubuo ng mga natuklasan nang mga kuweba ang kabuuan ng mga Kuwebang Tabon, subalit may dalawandaang mga kilalang kuweba sa Punto ng Lipuun. Pinangangalagaan at pinamamahalaan ang mga ito ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Bukas sa publiko ang isa sa mga kuwebang ito. May mga tapayan sa loob nitong ginamit sa paglalagak ng mga buto ng mga tao na may kasamang mga hayop.

Tamilok


Ito daw yung mollusk na nakatira sa loob ng punong kahoy ng Mangrove Tree na pwede daw o maaari daw kainin.

Lato


Seafood Sisig



Adobong Pusit


Wanton at Beef Mami


Homemade Siomai


Mga Pagkain sa Palawan


Maki Mee

Ito ang Twin Lagoon sa Palawan :D

Malampaya Sound sa Palawan


Malampaya Sound ay isang lugar sa Palawan kung saan ito ay napoprotekhan dahil ito ay isang dagat na may mga dolphin kung tawagin sa Ingles. Ito din ay dinarayo ng mga dayuhan

Underground River


Fauna

Ang mga ibon ang pinakamalaking grupo ng vertebratesa liwasan. Sa 252 na uri ng ibon sa Palawan, 165 dito ay makikita s liwasan. Nadirito ang 67% ng mga ibon at ang 15 endemikonh ibon ng Palawan. Makikita ang mga ibon na (Tanygnathus lucionensis), (Megapodius cumunigii), (Gracula religiosa), (Anthracoceros marchei), (Halitutus leucogates ). May 30 uri ng mgamammal na nasa liwasan (Madulid, 1998). Makikita sa tuktok ng gubat at sa dalampasigan ang unggoy na (Macaca fascicularis). Ito lang ang primate na makikita sa lugar na ito. Nandirito rin ang (Sus barbatus), (Arctictis binturong), (Mydaus marchei) at (Hystrix pumilus). 19 uri ng reptile ay makikita sa liwasan, 8 dito ay endemiko(Madulid, 1998). Ang mga malalaking predator na pangkaraniwang makikita sa liwasan ay ang sawa (Phython reticulatus), bayawak (Varanus salvator) at ang butiking (Bronchocoela cristatella). Makikita rin dito ang 10 uri ng amphibian. Ang palakang (Rana acanthi) ay pangkaraniwang makikita. Ang uringBarbourula busuangensis na endemiko sa Palawan ay makikita din sa lugar na ito. Makikita rin sa kuweba ang 9 na uri ng paniki, 2 uri ng swiftlet at latigong gagamba (Stygophrynus sp.). Ang Dugong (Dugong dugon) at Pawikan (Chelonia mydas) ay makikitang kumakain sa baybayin ng liwasan.

Flora

Ang liwasan ay mayroon walo sa labing tatlong uri ng gubat na makikita sa tropikal na Asya. Ito ay ang gubat na nasa ultramafic na lupa, gubat na nasa limestone na lupa, gubat na montane, pantubig-tabang na latiang gubat, mababang lupang evergreen na tropikal na rainforest, gubat na riverine, pambaybaying gubat, at gubat ng mangrove. Ang mga mananaliksik ay nakakita ng higit sa 800 uri ng halaman na galing sa 300 na sari at 100 na pamilya. Kasama dito ang 295 na puno na binbubuo ng mga dipterocarp na uri. Sa mababang parte ng gubat matatagpuan ang Dao (Dracontomelon dao), Ipil (Instia bijuga), Dita (Alstonia scholaris), Amugis (Koordersiodendrum pinnatum), at Apitong (Dipterocarpus gracilis). Ang pambaybayin na gubatay may mga uri tulad ng Bitaog (Calophyllum inophyllum), Pongamia pinnata, at Erynthia orientalis. Makikita din ang mga uri ng Almaciga (Agathis philippinensis), Kamagong (Diospyros pulganensis) Pandan (Pandanussp.) Anibong, at Rattan ('Calamus sp.)

Heograpiya


Ang liwasan ay binubuo ng limestone karst na bulubunduking tanawin at 8.2 kilometrong ilog na nasa ilalim ng lupa na maaring lakbayan. Ang ilog ay dumadaloy sa loob ng kuweba bago ito pumupunta sa Timog Dagat Tsina. Mayroon din itong mga stalactite at mga stalagmite, at iba't ibang malalaking silid. Ang mababang bahagi ng ilog ay naapektuhan ng mga tide. Bago nadiskubre noong 2007 ang ilog na nasa ilalim ng lupa sa Tangway ng Yucatan ng Mehiko, ang ilog na nasa ilalim ng lupa ng Puerto Princesa ay sinasabing pinakamahaba sa Pilipinas.
Nandirito din ang mga mahahalgang habitat para sa Konserbasyon ng biodiversidad. Ang pook na ito ay mayroong ekosistem mula sa bundok patungo sa dagat at mayroong mga gubat na napapabilang sa mga mahahalaga sa buong Asya.
Indineklara ng UNESCO bilang Pook na Pamanang Pandaigdig ito noong Disyembre 4, 1999.

Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Prinsesa

Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto PrincesaPambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa(InglesPuerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa PalawanPilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.

Mga munisipalidad

  • Aborlan
  • Agutaya
  • Araceli
  • Balabac
  • Bataraza
  • Brooke's Point
  • Busuanga
  • Cagayancillo
  • Coron
  • Culion
  • Cuyo
  • Dumaran
  • El Nido (Bacuit)
  • Kalayaan
  • Linapacan
  • Magsaysay
  • Narra
  • Quezon
  • Rizal (Marcos)
  • Roxas
  • San Vicente
  • Sofronio EspaƱola
  • Taytay

Politikal [PALAWAN]


Nahahati ang Palawan sa 23 mga munisipalidad at 1 lungsod.
Inaangkin ng pamahalaan ng Pilipinas ang karamihan sa Mga Pulo ng Spratly, lokal na tinatawag bilang Kapuluan ng Kalayaan, sa Mga Pulo ng Dagat Timog Tsina na naging sa ilalim ng hurisdiksyon ng Palawan.

Lungsod

  • Lungsod ng Puerto Princesa

Palawan


                     
                                                        
Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Timog Katagalugan. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ang kapital nito at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.
Pinangalan ang lalawigan sa pinakamalaking pulo ang Pulo ng Palawan.